-- Advertisements --

Naninindigan ang Malacañang na “sovereign prerogative” ng Pilipinas na hindi papayagang makapagsagawa ng imbestigasyon ang mga United Nations (UN) special rapporteurs kaugnay sa human rights situation sa bansa kasunod ng alegasyong extra-judicial killings sa anti-drug war.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kinakailangan ang consent ng estado bago makapagsagawa ng imbestigasyon ang mga rapporteurs sa bansa.

Ayon kay Sec. Roque, walang saysay na papasukin pa sa Pilipinas ang mga nagpapakilalang eksperto dahil may bias na sila at hinusgahan na agad ang bansa.

Kasabay nito, iginiit ni Sec. Roque na naaayon din sa UN system ang maigting na kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga at aasahang mas “passionate” pa rito ang pangulo sa natitirang dalawang taon sa pwesto.

“There’s no need to allow into the country so-called experts with very fixed biases against the Philippines already. The fact that we are not allowing them in is a sovereign prerogative recognized by the UN system,” ani Sec. Roque.