-- Advertisements --

Pinag-aaralan na rin ngayon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang panukala kung tuluyan nang tatanggalin ang facility-based requirement sa mga dumarating sa bansa na fully vaccinated.

Inamin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sinimulan na itong talakayin sa IATF at pinapaaral na ang scientific evidence sa naunang panukala ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion.

Gayunman ayon kay Vergerie, kahit pa man isagawa ang COVID-19 tests bago sumakay ng eroplano hanggang sa pagbababa ay posible pa ring may mangyari sa loob ng eroplano.

Dahil dito, mabusisi na itong pinag-aaralan at matapos ang pulong sa sunod na linggo ay maari na umanong makapagbigay ng rekomendasyon ang DOH.