Sinimulan nang himayin ng Senate committee on sustainable development goals, innovation and futures thinking ang mga plano ukol sa “new normal” sa aspeto ng transportasyon.
Ayon kay committee chairperson Sen. Pia Cayetano, mangangalap sila ng mga ideya na isusumite sa Inter-Agency Task Force para makabalik na kahit paunti-unti ang ekonomiya sa ating bansa, lalo na sa mga urban areas.
Mungkahi ni Keisha Mayuga, founder ng Life Cycles PH, mainam na isulong ang paggamit ng mga bisekleta bilang alternatibong behikulo.
Sinabi naman ni UP College Professor Tony Dans na habang nasa panahon pa tayo ng COVID-19 pandemic, dapat mag-provide ng mga sasakyan para sa mga health workers na apektado ng lockdown.
Para naman kay Tony Oposa, convenor ng Share-the-Roads Movement, dapat isulong ang pagpapabuti ng serbisyo ng mga tren bilang public transport, kaalinsabay ng pag-iingat para sa mga pasahero.
Habang welcome naman sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga suhestyon ukol sa alternatibong sasakyan, basta maikokonsidera lang dapat ang seguridad ng mga gumagamit nito.