-- Advertisements --
Tuloy na sa Setyembre 19 ang pagtalakay ng plenaryo sa House Bill 8980 o ang 2024 General Appropriations Bill.
Kasunod ito sa pag-apruba ng House Committee on Appropriations ang committee report at itinakda para sa 2024 GAB.
Sinabi ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang vice chair ng komite na ilan sa mga tatalakayin ang pagbabago gaya ng pagpapalawig ng validity ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) budget mula sa dating isa’t kalahating taon ay magiging dalawang taon na.
Mayroon din na probisyon ang pagiging independence ng kongreso bilang co-equal branch na nangangahulugan na hindi na required pa ang kongreso na magsumite ng report sa ehekutibo.