Inamin ng grupo ng mga supermarkets sa bansa na may epekto sa mga presyo ng pangunahing bilihin ang nakatakdang pagpatupad na ng truck ban sa Metro Manila.
Sinabi ni Steven Cua ang pangulo ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association na tiyak na mayroong “domino effect” ang nasabing pagsasara.
Bukod pa sa magkakaroon ng kakapusan ng suplay sa mga bilihin dahil sa paghihgpit sa mga delivery truck sa Metro Manila.
Isa rin ang dahilan ng pagbawas ng suplay ng mga pangunahing bilihin ay ang patuloy na relief operations sa naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Batay nga sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority simula na sa Dec. 14 ang implementasyon ng total truck ban.
Ang malalaking trucks ay naka-ban sa EDSA at mga major thoroughfares mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.