-- Advertisements --

Walang gaano o minimal lamang na flight ang maapektuhan sa ipapatupad na corrective maintenance activity ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga paliparan sa Mayo 17.

Ayon sa CAAP na sa oras ng 2:00 hanggang 4:00 ng madaling araw sa nasabing petsa ay kakaunti ang nasabing maapektuhan na international flights.

sa Cebu-Mactan International Airport (MCIA) ay walang flights ang maapektuhan habang mayroong apat na regional flights mula Clark International Airport ang maapektuhan base na rin sa pagtaya ng Luzon International Premiere Airport Development Corporation (LIPAD Corporation).

Paliwanag ni CAAP Deputy Director General for Operations Edgardo Diaz na ang temporary airspace closure ay dahil sa imperative corrective maintenance activity sa Philippine Air Traffic Management Center.

Dito ay papalitan nila ang sirang Uninterruptible Power Supply (UPS), at kanilang ire- reconfigure the Air Traffic Management System (ATMS) A/B power supply.