-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Ginulantang nang pagsabog ang lalawigan ng Maguindanao.
Ayon kay Maguindanao police provincial director Col. Donald Madamba, sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa Barangay Timbangan, Shariff Aguak, Maguindanao.
Wala namang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan.
Sinabi ni Madamba na pambubulabog lamang ang motibo ng mga suspek sa pagpapasabog dahil malayo ito sa kabahayan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Shariff Aguak PNP sa pamumuno ni Major Oligario Salvador sa nangyaring pagsabog ng bomba sa Brgy Timbangan.