-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kanilang pinaikli na ang pagpagproseso ng mga passport regular man ito o express applications.
Ayon kay Office of Consular Affairs Asec. Henry Bensurto Jr. na simula sa Hulyo 24 ay iiksi na ang panahon ng paghihintay ng mga aplikante na naghihintay na mairelease ang kanilang pasaporte.
Kung dati na ang regular passport ay nairerelease ng 12 hanggang 14 na araw ay ngayon ay magiging 10 araw na habang ang express naman ay magiigng 5 araw na lamang.
Paglilinaw nito na ang nasabing mga time frame ay para lamang sa mga naninirahan sa Metro Manila.
Subalit ang mga consular office nila sa Luzon, Visayas at Mindanao ay mapapabilis din subalit hindi kahalintulad ito sa Metro Manila.