-- Advertisements --

Sisimulan na sa darating na Oktubre 26 ng Department of Trade and Industry (DTI) Small Business Corporation (SB Corp) ang pamimigay ng P10-billion loan program para sa mga micro, small and medium enterprises (MSME) na apektado ng COVID-19.

Sa inilabas na pahayag ng SB Corp, na may nakalaan na P10-billion sa Bayanihan 2 law para mapalawig ang Covid-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) Program.

Sa nasabing araw ay magsisimula na silang tumanggap ng aplikasyon para sa Bayanihan CARES Program para matulungan ang mga MSME na makabangon at mapanitili ng kanilang empleyado ang kanilang trabaho.

Ang loan amount na maibibigay ay ibabase sa asset size at annual sales ng isang MSME applicants.

Hanggang apat na taon na maaaring mabayaran ang nasabing pautang.