-- Advertisements --

Kumpiyansa si  DEPDEV Secretary Arsenio Balisacan, na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 5–6% ngayong 2026 at sa susunod pang dalawang taon.

Sinabi ni Balisacan, nananatiling pangunahing tagapaghatak ng paglago ang konsumo, na sinusuportahan ng employment at remittances, habang nangingibabaw sa supply side ang sektor ng serbisyo.

Ayon sa kalihim, inaasahan ding babawi ang consumer confidence matapos bumagal ang paggasta sa ikatlong quarter.

Dagdag pa ni Balisacan, nananatiling mababa ang inflation sa 1.7%, patuloy na bumababa ang interest rates, at mas maganda kaysa inaasahan ang kalagayan ng pandaigdigang kalakalan.

Dahil dito, inaasahang mananatiling matatag ang paglago ng ekonomiya, lalo na sa ikalawang quarter ng taon.