-- Advertisements --

Nakasalalay pa rin umano sa pandemic response ng gobyerno ang muling pagsigla ng turismo sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni BSP Senior Assistant Governor Ilumnada Sicat, kasunod ng pagluluwag ng ibang lugar sa pagpasok ng mga turista.

Sa pagtaya ni Sicat, posibleng sa taong 2023 pa tuluyang makabangon ang turismo sa ating bansa.

Kabilang sa sinasabing dahilan ng pagbagsak ng turismo ang mabagal na vaccination program at local transmission ng COVID-19, lalo na ng Delta variant.

Bago ang pandemya, nasa target ng BSP ang 15% na pag-akyat ng kita sa turismo.

Pero dahil sa pagkalat ng virus, nabigo ang bansa na maabot ang taget tourist arrivals.

Inaasahang masisimulan ang lokal na turismo sa huling bahagi ng taong 2021, kapag naideklara na ang community protection.