-- Advertisements --

NAGA CITY – Aminado ang alkalde ng bayan ng Minalabac sa nararanasang hirap hinggil sa bagong direktiba ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na dapat consolidated na ang mga prangkisa ng transportasyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Minalabac Mayor Christoper Lizardo, sinabi nito na ito ang problema ng karamihan na operator dahil bagama’t mayroong franchise to operate, hindi pa rin papayagan ng pamahalaan kung hindi sila consolidated.

Dagdag pa nito na hindi naman aniya lahat ay may kakayanang kumuha ng mga modernize unit dahil nasa P2 million ang average cost nito.

Ayon pa sa kaniya, bagama’t mayroong P80,000.00 na subsidy ang pamahalaan, hindi pa rin ito sapat.

Kung kaya pakiusap din nito sa Department of Transportation (DOTr) na ipagpaliban muna ang implementasyon hindi lamang dahil sa COVID-19 pandemic kung hindi upang maihanda rin ang bawat operators sa bagong sistema.