Plano ngayon ni Senator Ralph Recto na palawigin ng hanggang anim na taon ang termino ng mga barangay officials.

Ito ay para hindi laging ipinagpapaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay Recto, na mas maiging gawin ang halalan isang taon bago o pagkatapos ng presidential elections o kada anim na taon.

Magugunitang inaprubahan ng Senado sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.