-- Advertisements --
Naging epektibo umano ang pilot implementation ng alert level system para ma-control ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa iba’t-ibang syudad sa Metro Manila.
Ayon kay Dr. Marylaine Padlan ng One Hospital Command Center (OHCC), kapansin-pansin ang naging pagbaba ng daily cases, simula nang pairalin ang alert system sa rehiyon.
Lumalabas din sa data na nabawasan ang nagre-require ng isolation facilities o ng hospitalization kumpara noong surge ng virus dahi sa delta variant.
Maging ang natatanggap nilang tawag para mag-request ng ospital ay bumulusok sa mababang daily average calls na dati nilang natatanggap.