-- Advertisements --

Inamin ni Comelec Spokesman James Jimenez na hindi magiging madali ang paglilinis nila ng voters list, kahit tapos na ang pagpapatala ng mga botante sa kanilang mga tanggapan.

Ngayong araw kasi ang nagsara ang pagtanggap ng poll body ng mga magpapatalang bagong botante, pati na ang magpapa-reactivate at lilipat ng kaniyang voting area.

Inaasahang aalisin sa listahan ang multiple registered voters at mga matagal nang hindi bumuboto.

Maliban dito, abala rin ang Comelec sa paglilinis ng talaan ng mga kandidato.

Ilan kasi sa mga ito ay nuisance o pampagulo lamang sa halalan.

Habang may inaasahan pang substitution hanggang sa Nobyembre 15, 2021.