-- Advertisements --
Nahihirapan pa rin ang mga otoridad sa Ukraine sa pagligtas sa mga taong naipit sa basement ng binombang teatro sa Mariupol.
Ayon kay Mariupol Mayor Vadym Boychenko na nagkakaroon pa kasi ng matinding palitan ng putok sa pagitan nila ng Russia.
Pinalibutan na rin ng mga puwersa ng Russia ang nasabing lugar kaya hirap ang mga ito na mapasok.
Umabot na kasi sa 300,000 katao ang nasa loob ng nasabing teatro kung saan naubusan na ang suplay ng pagkain at gamot dahil sa hinarang ng Russia ang mga daanan ng humanitarian aid.
Sa pagtaya rin ng mga otoridad na nasa 80 porsyento ng lugar ang apektado kung saan maraming mga kabahayan, simbahan, paaralan ang nawasak dahil sa pag-atake ng Russia.