Mayor Emi Calixto Rubiano
Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano | Image © FB Video Grab

Inatasan na ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang kapulisan na magsagawa ng agarang imbestigasyon sa magkakasunod na pagkakawala ng ilang mga kabataan noong nakaraan linggo.

Sinabi ni Pasay police chief Col. Bernard Yang, nasa siyam na pawang mga kabataan ang naiulat na nawawala.

Mula Nobyembre 20 hanggang 22 ay naiulat ang pagkawala ng nasabing katao na may edad mula 15 hanggang 23 anyos.

Paglilinaw naman ng kapulisan na ang mga nawawala ay hindi kasama sa kanilang drug watchlist na siyang pinangangambahan ng mga kaanak ng biktima.

Kumukuha na ang kapulisan ng kopya ng CCTV para malaman ang mga nasa likod ng serye ng pagdurukot.