DAGUPAN – Napapanahon na para magtayo ng nuclear plant sa bansa.
Ito ang tahasang sinabi ni Pangasinan second district congressman Mark Cojuangco na siyang itinalaga bilang chairman ng Special Commitee on Nuclear Energy.
Nanghihinayang si Cojuangco dahil noon pa sana ay may tumatakbo ng nuclear plant sa Pilipinas upang hindi na sana tinamaan pa ang bansa ng pagtaas ng kuryente.
Ayon kay Cojuangco, kung noong 1986 ay maYroon na sanang nuclear plant ay lumaki sana ang ekonomiya ng karagdagang isang porsyento.
Paliwanag niya na sa bawat taon sa loob ng 36 taon ay 36 percent na mas malaki na sana ang ekonomiya ng bansa at ilang milyong trabaho na ang nalikha.
Binigyang diin niya na nahuli na ang Pilipinas habang ang mga karatig bansa ay nakaramdam ng double digit economic growth.
Isinisi niya sa kakulanhan at masyadong mahal ng kuryente sa bansa kaya hindi naging investment destination.
Iniwasan umano ng mga mamumuhunan na magpunta sa bansa bagkus sa ibang bansa sila namuhunan partikular sa mga bansang Vietnam, Malaysia, Thailand at Indonesia.
Aminado naman si Cojuangco na hindi ito magagawa sa maiksing panahon kaya dapat itong masimulan na at makakaasa na darating din ang panahon na mararamdaman na ng mga Pilipino ang murang kuryente.