-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Maituturing na breakthrough sa Canada ang pagka-imbento ng mga siyentista ng portable na testing kits na puwedeng dalhin kahit saan at isang oras lang ang hihintayin para malaman ang resulta ng swab test.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gng. Marissa Tumanguil Hajscar, clinic manager sa Canada, dating Bombo anchorperson at tubong Tuguegarao City, sinabi niya na ang testing device ay naimbento ng mga siyentista ng Spartan Bio-Science na nakahimpil sa Ottawa, Canada.

Target nilang makagawa ng 1.5 testing kits loob ng isang buwan at ibinebenta na ito sa merkado.

Ang production ng maraming portable testing device ay makakatulong nang malaki para sa maramihang test lalo na sa mga asypmtomatic na posibleng magkakalat ng virus.

Umabot na sa 26,613 ang tinamaan ng COVID 19 sa Canada at umabot na sa 823 ang mga namatay na karamihan ay mga elders o matatanda sa mga long term care facilities.

Pinalawig hanggang May 12, 2020 ang lockdown na magtatapos sana sa April 19.

Nagpatupad aniya ng bagong measure si Canaian prime Minister Justine Trudeau na ang lahat ng mga uuwi sa Canada mula sa ibang bansa ay sasailalim sa 14 days na quarantine hindi sa kanilang bahay kundi sa hotel.

Samantala, hindi na aasa ang Canada sa Estados Unidos ng mga supply ng Personal Protective Equipment (PPE) dahil bibili na ang pamahalaang Canada sa isang multi-national company sa China.

Dumating na ang 8 million na surgical mask mula sa China.

Matatandaang nagalit ang Canada nang pigilan ni Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos ang pagpapadala sa Canada ng mga inorder na milyun-milyong piraso ng mga surgical mask dahil kailangan din ang mga ito sa Estados Unidos bunsod ng maraming kinapitan ng COVID-19.