-- Advertisements --

Idinaan na lang ng Senate committee on foreign relations sa executive session ang pagdinig ukol sa isyu ng paghihigpit ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea o South China Sea.

Ayon kay committee chairman Sen. Koko Pimentel, lubhang sensetibo ang paksang ito para ilahad sa publiko ang buong detalye kaya nilimitahan nila sa isang closed door meeting, kahit sa pamamagitan lang ng virtual session.

Dumalo sa pulong sina Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr., kinatawan ng Philippine Coast Guard (PCG) at ilang national security officials.

“Since these two top picks are so-called ‘sensitive’ if there is no objection we can go to an executive session,” wika ni Pimentel.

Kabilang sa basehan ng naturang pagdinig ang privilege speech ni Sen. Francis Tolentino at resolusyong inihain ni Sen. Risa Hontiveros.

Bago ito, tinalakay din ng lupon ang isyung pagbenta ng Pilipinas sa bahagi ng ari-arian sa bansang Japan, bagay na itinanggi ni Sec. Locsin.

Maging ang hindi pa rin natatapos na pagbabalik sa South Korea ng mga basurang ipinasok sa Mindanao ay napag-usapan sa unang bahagi ng hearing.