-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nalungkot bagama’t nirerespeto umano ng Philippine Military Academy (PMA) ang paghain ng pamilya Dormitorio laban sa dalawang army officials sa piskalya sa Baguio City.

Ito’y matapos naghain ng kasong Anti-Hazing Violation at Anti-Torture Law ang pamilya laban kina resigned PMA Supt. Lt. Gen. Ronnie Evangelista at B/Gen. Bartolome Bacarro.

Ayon kay PMA spokesperson Capt. Cheryl Tindog, alam nila na mayroong maayos na track record ang dalawa nilang opisyal subalit ipinapaubaya nila sa batas ang magiging kapalaran ng mga ito.

Hindi rin aniya nila masisi ang pamilya ni late Cadet 4th Class Darwin Dormitorio sa paghahanap nila ng hustisya lalo pa’t nasa isang demokrasya ang bansa.

Kung maaalala, nasampahan na rin ng kasong kriminal ang grupo ni PMA Cadet 1st Class Axl Ray Sanopao na itinurong nasa likod ng walang humpay na pagmaltrato hanggang tuluyang bumigay ang katawan ni Dormotirio noong Setyembre 2019.