Patuloy ang ginagawang paghahanap sa helicopter na sinakyan nina Iranian President Ebrahim Raisi at Iranian Foreign Minister Hossein Amir-Abdollahian matapos na ito ay napaulat na bumagsak.
Patungo ang pangulo sa Tabriz City sa northwest Iran matapos na ito ay nanggaling sa pagbubukas ng dam sa border nila ng Azerbaijan.
Sinasabing bumagsak ang nasabing helicopter sa bulubunduking bahagi ng Iran at ito ay bunsod ng sama ng panahon.
Mayroong mahigit 40 na mga rescuers ang nasa lugar na subalit sila ay nahihirapan dahil sa sama ng panahon.
Hinikayat naman ni Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei , ang mga mamamayan na magdasal at huwag mag-aalala dahil sa walang anumang nakikita silang pagbabago sa pamamalakad ng gobyerno.
Tumulong na rin ang European Union sa pamamagitan ng pag-activate nila ng kanilang rapid response mapping service o kilala bilang Copernicus para matulungan na mahanap ang bumagsak na helicopter.