Hindi pag-aaksaya ng oras at pera ng gobyerno ang paghahanap sa isang pugante.
Ito ang binigyang-diin ni Palace Press Officer USec. Claire Castro kasunod sa naging pahayag ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na pag-aaksaya lamang ng pera ng gobyerno ang paghahanap sa kaniya.
Kung maalala bumuo na ng tracker team ang pamahalaan para tugisin si Roque na kasalukuyang nagtatago matapos kasuhan ng Department of Justice ng human trafficking.
Sinabi ni Castro kung talagang concerned si Roque sa pondo ng bayan, mas mabuti na umuwi na lamang siya bansa ng sa gayon hindi na siya pag-aksayahan ng oras at pera ng pamahalaan.
Sa kabilang dako, inihayag ni USec. Castro na tila si Atty. Roque na lamang ang hindi naniniwala sa kaniyang panaw na may political persecution.
Ito’y matapos sabihin din ni dating Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na walang political persecution.
Naniniwala ang Palasyo na ang ginagawa ngayon ni Roque na pagsama-sama sa mga Duterte ay ginagawa lamang niyang panangga para patunayan na mayruong political persecution.