-- Advertisements --

Muling inihirit ni House Ways and Means Committee Chair Rep. Joey Salceda ang pagbigay ng special powers kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para tugunan ang tumataas na presyo ng mga bilihin.

Ito ay kasunod ng naitalang 6.4% inflation rate para sa buwan ng Hulyo.

Binigyang-diin ng mambabatas na patuloy ang pagtaas ng food inflation kung saan mula sa 4.9% noong Mayo ay pumalo na ito sa 6.9% nitong July.

Nagbabala si Salceda na posibleng mag-peak ang monthly inflation ng hanggang 8.5% habang ang annual average inflation naman ay posibleng maitala ng hanggang 6.0%.

Dahil dito, umapela ang economist solon sa house leadership at kapwa mambabatas, talakayain na ang House Bill 2227 o Bayan Bangon Muli Bill kung saan gagawaran ng special powers ang Pangulo para ma control ang presyo ng mga bilihin.

Ilan sa special powers na ito ay ang sumusunod:
Anti-hoarding powers
Pagbibigay insentibo sa produksyon ng mga ‘essential’ na produkto
Kapangyarihan para makapagbigay ng loans at guarantees sa mga suppliers ng produkto;
Anti-price-gouging powers
Transport emergency powers
Pag-mobilize sa uniformed personnel para mapabilis ang mga infrastructure projects at
Bumuo ng inter-agency working groups o task forces