Alec Baldwin Halyna Hutchins 1
-- Advertisements --

Pansamantalang ipinagpaliban ang paggawa ng pelikulang “Rust” matapos ang accidental firing na ikinasawi ng cinematographer na si Halyna Hutchins.

Ayon sa production team na uunahin muna nila ang pakikipagtulungan sa Santa Fe County Sheriff Office na nag-iimbestiga sa insidente.

Hindi naman nagbigay ng petsa ang production team kung kailan matutuloy ang nasabing pelikula.

Lumabas din sa imbestigasyon ng mga otoridad na nahaharap na rin sa reklamo ang assistant director ng pelikula na si Dave Halls.

Inireklamo kasi siya ng dating mga nakasama nito noong taong 2019 dahil paggamit ng hindi ligtas na prop gun.

-- Advertisement --