Isa ang paglabas ng sariling libro ang magiging prioridad ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Ayon sa 25-anyos na beauty queen ilalabas ang kaniyang libro na may pamagat na “Conquering Your Universe” sa 2020.

Mababasa sa nasabing libro ang mga aral na kaniyang napagdaanan para tuluyang makamit ang korona.

Nais talaga nitong maglabas ng libro para ipakalat ang positibong pamumuhay.