-- Advertisements --
Dagsa ang mga Catholic devotees sa ibat ibang simbahan ngayong araw sa buong bansa para gunitain ang pagdating ni Hesukristo sa Jerusalem.
Ang Linggo ng Palaspas ay ang ikaanim at huling Linggo ng pagdiriwang ng Kuwaresma at pagsisimula ng Semana Santa.
Inaasahan na rin na magbabalik ang ilang mga pisikal na aktibidad sa Holy Week matapos ang tatlong taon health protocol restrictions dahil sa Covid-19 pandemic.
Para sa mga Kristiyano, ito ay isang paalala ng pagtanggap kay Hesus sa ating mga puso at ng ating kahandaang sumunod sa kanya.