Nilagdan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang pagtataas ng mandatory retirement age ng mga opisyal ng militar ng hanggang 60-anyos.
Nakasaad sa RA No. 11709 na ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines na may rangkong Second Lieutenant/Ensign (O-1) to Colonel/Capitan (O-6) ay mandatoryong magre-retire sa edad na 56 o kapag nakapag-accumulate ito ng 30 taon na satisfactory active duty.
Habang ang mga may gradong Brigadier General/Commodore (O-7) hanggang sa Lieutenant General/Vice Admiral (O-9) ay dapat na magretiro sa edad na 59-anyos o maximum tenure-in-grade ng tatlong taon.
Ang mga opisyal na nakomisyon sa ilalim ng Presidential Decree No. 1908 o naitalaga sa Corps of Professors ay kailangang magretiro sa edad na 60 o matapos ang 20 taong pagseserbisyo.
Ang isang enlisted personnel naman ay compulsory na magreretiro kapag nakapag-accumulate ng at least 30 taong pagseserbisyo o kapag naabot na ang edad na 56.
Samantala, ang mga mayroong mahahalagang posisyon sa militar ay kailangang magretiro sa oras na makumpleto ang kanilang fixed tour of duty na tatlong taon anuman ang kanilang edad kabilang dito ang chief of staff, vice chief of staff, deputy chief of staff, commanding general of the Philippine Army, commanding general of Philippine Air Force, flag officer of Philippine Navy, unified command commanders at inspector general.