-- Advertisements --
Naglunsad ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng bagong websites para labanan ang mga naglipanang mga pekeng online gaming providers.
Ayon sa PAGCOR, na layon nito ay para maprotektahan ang publiko sa pagdami ng mga iligal na online games.
Sinabi ni PAGCOR chairman and CEO Alejandro Tengco na ang nasabing bagong websites ay mabilis na makikilala ng publiko kung ano ang lehitimong gaming websites.
Hinikayat din nito ang publiko na isumbong sa kanilang opisina ang anumang iligal na online games sa bansa.