-- Advertisements --
Nais ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr na buhayin ang Laguna Lake bilang pangunahing pinagkukuhanan ng isda ng mga taga Metro Manila at karatig na lalawigan.
Sinabi nito na ang layon nila ay makapag-produce ng mas mababang presyo ng mga isda at maibalik sa P50 hanggang P70 kada kilo ang presyo ng bangus.
Para makamit ito ay mahalaga na buhayin ang pinakamalaking freshwater lake ang Laguna de Bay.
Ang 940 square kilometer na Laguna de Bay ay kayang magproduce ng hanggang 90,000 tonelada ng mga freshwater na isda kada taon at nagbibigay ng pangkabuhayan sa 13,000 na mangingisda.