-- Advertisements --

Natuklasan ng mga astronomer ang isang napakabilis na hangin na nagmumula sa isang napakalaking black hole sa spiral galaxy na NGC 3783.

Napagalaman na ito ang pinakamabilis na hangin na naital mula sa ganitong uri ng astronomical object.

Ayon sa European Space Agency (ESA), ang black hole ay may bigat na katumbas ng 30 milyong araw at kumukonsumo ng materyal sa paligid nito upang paandarin ang active galactic nucleus (AGN) —isang napakaliwanag at “extremely bright and active region” ng kalawakan na naglalabas ng malalakas na jet at hangin.

Isa sa malalakas na hangin na kanilang nasukat ay may bilis na 60,000 km kada segundo (humigit-kumulang 20% ng speed of light), pinakamabilis na naobserbahan hanggang ngayon.

Ayon kay Liyi Gu ng Space Research Organisation Netherlands (SRON), unang beses na nakita ng mga siyentipiko ang isang mabilis na pagsabog ng X-ray mula sa black hole kung saan agad na nakalikha ito ng ultra-fast winds sa loob lamang ng isang araw.

Pinaliwanag pa ni researcher Matteo Guainazzi na ang hangin ay nalikha nang biglang “mag-untwist” ang magnetic field ng nucleus —kahalintulad ng coronal mass ejections ng araw ngunit sa masmalaking sukat ng lawak nito.

Ayon sa ESA, ang kahawig na mekanismo ng black holes at ng ating araw ay nagpapakita na maaaring gumagana ang ”energy solar at high-physics.”

Dagdag pa ng mga siyantipiko na ang natuklasang scientific ay nagbibigay-linaw kung paano maaaring makaimpluwensiya ang AGN winds sa pagbuo at ebolusyon ng mga galaxy.