-- Advertisements --
Itinakda sa Setyembre 13, 2021 ang pagsisimula ng School Year 2021-2022.
Ayon sa Department of Education (DepEd) mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang pumili sa nasabing petsa.
Nakatakdang maglabas sa susunod na mga araw ang DepEd ang mga school calendar para sa 2021-2022.
Nauna rito nagsumite ng ilang petsa si DepEd Secretary Leonor Briones kay Pangulong Duterte at isa rito ay ang Setyembre 13.
“We thank the President for his full support to the delivery of quality basic education for the incoming school year,” bahagi ng statement ng DepEd.
Malamig naman ang pangulo sa pagsasagawa ng face-to-face classes hangga’t hindi pa tuluyang nababakunahan ang malaking popolasyon ng bansa.