Itinuloy ng Indiana ang pagbitay sa murder suspek na si Brandon Bernard.

Ito ay matapos na ibasura ng US Supreme Court ang last-minute clemency pleas ng kampo ng 40-anyos na si Bernard.

Itinuturing na siya ang pinakabatang offender na nabitay ng federal government sa halos 70 taon.

Bago iturok ang lethal injection ay humingi ito ng kapatawaran sa pamilya ng mag-asawa na kaniyang pinatay na sina Todd at Stacie Bagley noong June 1999.

Isa lamang si Bernard na nabitay sa mga huling araw na panunungkulan ni US President Donald Trump dahil mayroon pang apat na iba pa ang pinaplanong bitayin.