-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na bawal ang pagbibiyahe ng mga itinuturing na non-essentials mula sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhance Community Quarantine (ECQ) papunta sa mga lugar na nasa General Community Quarantine (GCQ) at vice versa.

Sa press briefing, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na siya ring spokesman ng IATF na ang general rule ay bawal ang pagbibiyahe, palabas at papasok ng mga lugar na nasa ECQ at GCQ maliban na lamang sa mga exempted.

Kabilang umano dito ang mga frontliners, health workers, government officials and personnel, mga nagbabalik na overseas Filipino workers (OFWs) at ilan pang itinuturing na Authorized Person Outside Residence (APOR).