Pinaga-aralan ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng libreng medical sevices para sa lahat ng mga ospital na pinapatakbo ng gobyerno sa buong bansa.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, kwalipikado para sa libreng medical services ay ang mga indibidwal mula sa low-income households kabilang ang mga benepisyaryo mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Saad pa ng kalihim na pinaga-aralan nila na malibre ang nasa 99% ng mga serbisyo sa lahat ng ward at semi-private sa mga pampublikong ospital na aniya’y sasagutin ng makokolekta mula sa sin tax.
Kaugnay nito, nakatakdang makipagpulong ang kalihim sa directors ng public hospitals at inaasahan na magkaroon na ng anunsiyo sa susunod na linggo.
Umaasa naman ang DOH chief na matugunan ng mga mambabatas kung anuman ang kulang dahil sila ang nagbibigay ng pondo sa DOH.
Ang inisyatibang itong ng DOH ay layuning mapalawak pa ang access para sa dekalidad na healthcare at mabawasan ang gastusin mula sa bulsa ng milyun-milyong Pilipino na kailangang magpagamot sa mga pampublikong ospital.
Ito rin ay salig sa mandato ng Universal Health Care Law para mapalakas pa ang healthcare system sa bansa.