-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang pagbibigay ng cash at food assistance sa mga mahihirap na magsasaka sa lalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Director Lorenzo Carangyan ng National Corn Program na sa paglulunsad ng pagbibigay ng cash at food assistance sa mga magsasaka ng mais, tubo at niyog gayundin ang mga mangigisda at katutubo sa Isabela ngayong araw ay limang daan ang inaasahang mabibigyan.

Aniya, sa Isabela ay may 12,878 ang benepisaryo na may pondong P65 milyon.

Sa buong rehiyon naman ay 31,486 na magsasaka at mangingisda ang mabibigyan na nasa P150 milyon ang pondo.

Sa naturang bilang ay 11,089 ang nagtatanim ng mais habang ang nagtatanim ng niyog ay 2,007 at sa tubo ay 404.

Nasa 15,000 naman ang mangingisada at sa mga katutubo ay 2,253.