-- Advertisements --

Bumuhos ang pagbati mula sa iba’t-ibang lider ng bansa matapos ang pormal na pagiging miyembro na ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang Finland.

Sa ginawang pormal na pagkilala ng NATO sinabi ni Finnish President Sauli Niinisto na isang magandang araw sa kanilang bansa ang pagsali sa Finland.

Ayon naman kay NATO Secretary General Jens Stoltenberg na ang pag-anib nila sa kanila ay lalong mapapalakas ang Finland at magiging ligtas pa ito.

Dagdag pa nito na dahil sa ginagawang pag-atake ng Russia sa Ukraine ay dumami pa lalo ang mga bansang nais na umanib sa NATO.

Ang Finland ay siyang pang-31 na bansa na miyembro ng NATO.

Sakaling atakihin ang Finland ay agad na tutulong ang mga NATO members country kabilang ang US.