Reading Time: 1 minute
pacquiao buboy fernandez
Pacquiao and Fernandez in training

Aminado si boxing trainer Buboy Fernandez na krusyal ang halos isang buwan na natitira bago ang laban ni Sen. Manny Pacquiao kay Keith Thurman.

Bukod sa pagbabantay ni Fernandez sa boxing condition ni Pacquiao ay mahalaga na bantayan din ang kaniyang kalusugan.

Naging mahigpit na ang Team Pacquiao sa mga bumibisita sa training camp sa Wild Card Gym sa Hollywood para hindi ito mahawaan ng anumang sakit.

Pinayuhan na rin nila ang Filipino boxing icon na bawasan ang aktibidad gaya ng basketball para hindi ito magkaroon ng injury.

Sa ngayon mahigpit ang ginagawang preparasyon ng boxing champion para sa laban kay Thurman sa Hulyo 20 sa MGM Las Vegas.