Pinaplantsa na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga panuntunan sa muling pagbabalik operasyon ng mga provincial bus.
Ayon sa Deprtment of Transportation (DOTr) na baka hanggang ngayong linggo ay mailabas na ng LTFRB ang mga guidelines.
Magiging pakonti-konti na lamang ang pagbabalik ng nasabing mga operasyon ng provincial bus.
Sa kasalukuyan ay pinapayagan ang operasyon ng trains, jeepneys, taxis, transport network vehicle services, UV express units, tricycles, shuttle services, point-to-point buses at mga augmentation buses sa National Capital Region (NCR) sa limitadong kapasidad.
Pinayagan na rin nitong Lunes ang pagpapakalat ng karagdagang 1,159 na traditional public utility jeepneys sa 28 ruta sa National Capital Region.
Magugunitang nanawagan ang mga provincial bus operators na ibalik na ang kanilang operasyon para makabangon ang kanilang kumpanya na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.