-- Advertisements --

Tuloy ang pagbabalik ng sesyon ng Senado sa Mayo 4, 2020, kahit ma-extend pa ang enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, mandato ito ng Kongreso na gawin nila ang mga trabaho sa mga nakatakdang panahon.

Giit pa ni Sotto, kahit walang ibang mambabatas na pupunta para dumalo ng sesyon, mag-isa siyang magtutungo sa plenaryo para buksan ito, bilang hudyat ng pagpapatuloy ng kanilang trabaho.

Ikinokonsidera din ng mataas at mababang kapulungan na magsagawa na muna ng video conference, sakaling hindi pa rin humuhupa ang COVID-19 sa ating bansa sa susunod na buwan.

Kabilang sa mga nakabinbing gawain ng Senado ang panukalang imbestigahan ang ilang pagkukulang ng DoH officials sa pagtugon sa epekto ng pandemic.