-- Advertisements --

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang magbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte para magkaroon ng pagbabago sa school calendar.

Layunin ng Senate Bill 1541 na amyendahan ang Republic Act (RA) 7797 para magkaroon ng hanggang 220 calendar days ang mga mag-aaral, bilang preparasyon ito sa mga panahon ng kalamidad at pagkalat ng sakit.

Maari ding baguhin ang pagsisimula ng klase, kapag may sapat na basehan ang gobyerno.

“The immediate effect of this legislation would be to empower the President to move the start of the School Year 2020-2021 to September or even later in the event that public health authorities would recommend the postponement of the school year in order to contain the spread of COVID-19,” wika ni Senate committee on basic education Sen. Sherwin Gatchalian.

Sinuportahan naman ito ng iba pang senador, maging ang mga nasa hanay ng minorya.

-- Advertisement --