-- Advertisements --
Mistulang nag-lecture ang dating pinuno ng Dangerous Drugs Board (DDB) na si Senate President Tito Sotto III sa harap ng PDEA at PNP, kaugnay ng misencounter ng dalawang anti-crime at anti-drug arm ng gobyerno.
Layunin kasi ng pagdinig ng resolbahin ang mga kaso ng sablay na operasyon, kung saan ang pulisya at PDEA minsan ang nagkakasagupa.
Matatandaang maliban sa Commonwealth incident, kung saan apat ang nasawi at tatlo ang nasugatan, muntik pa itong maulit sa Fairview kamakailan.
Para kay Sotto, dapat mabago ang pangangasiwa sa PDEA operations at magiging mas malaking sangay na ng gobyerno ang hahawak na may limang bureau.