-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa na lalo pang lalamig ang temperatura sa mga susunod na araw dahil sa pag-iral ng northeast monsoon.

Ayon kay Pagasa weather specialist Aldczar Aurelio, maagang lumakas ang pag-iral ng amihan, na dating nangyayari kapag sumasapit ang buwan ng Enero.

Sa pagtaya ng Pagasa, maaari pang makapag-record ng 18 hanggang 19 degress Celsius sa Metro Manila sa mga susunod na araw.

Habang sa Baguio City at mga kalapit na lugar naman ay posibleng maitala ang 10 degrees Celsius o mas mababa pa.

Ngayong araw, naitala ang pinakamalamig na temperatura sa Metro Manila para sa amihan season na 20.2 degrees Celsius.

Samantala, sa Baguio City naman ay 11.8 degrees Celsius.

Nagpaalala rin ang Pagasa na dapat magsuot ng makakapal na damit ang mga lumalabas kapag madaling araw, pati na ang mga umuuwi ng gabi dahil sa posibleng sakit na idulot nito sa mga hindi nasanay sa maginaw na panahon.