Inaasahan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magkakaroon ng dalawa hanggang apat na bagyo ngayong buwan ng Hulyo 2026.
Ayon kay state weather bureau, patuloy na magiging aktibo ang southwest monsoon o habagat na magdudulot ng paminsan-minsang malalakas na pag-ulan, partikular sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
Dagdag pa ng PAGASA, ang unang bagyo ngayong buwan ay ang dating low pressure area na naging ganap na bagyong “Henry” nitong madaling araw ng Miyerkules.
Samantala, inaasahan pa ang pagpasok ng mga susunod na bagyo na papangalanang “Inday,” “Josie,” at “Kiyapo,” na maaaring tumama sa Eastern Visayas at Luzon, o magpalakas pa ng epekto ng habagat.
Patuloy na pinaalalahanan ng weather bureau ang publiko na maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa inaasahang pag-ulan sa mga susunod na araw.
















