Ipinauubaya na ni Sen. Panfilo Lacson kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-veto sa ilang bahagi ng 2020 national budget na may kwestyunableng insertions.

Ayon kay Lacson, minabuti na niyang huwag na lamang harangin ang proseso ng approval sa P4.1 trillion national fund dahil baka sa Senado na naman isisi kung ma-delay muli ang pagsasabatas nito.

Matatandaang pinagbuntunan ng sisi ang ilang senador nang matagalan ang approval sa 2019 budget, matapos matuklasan ng mga senador ang umano’y pork barrel dito.

Naniniwala si Lacson na hindi pahihintulutan ng Pangulong Duterte ang anumang illegal insertions sa pambansang pondo.