Hindi umano kabuuan o “sum-total” ng bilateral relations ng Pilipinas at China ang isyu ng territorial dispute sa South China Sea.
Pahayag ito ng Malacañang matapos i-invoke ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2016 arbitral ruling sa United Nations General Assembly (UNGA) kaninang madaling araw kung saan kasama rin si Chinese Pres. Xi Jinping.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, maaari namang isusulong ang iba pang aspeto ng relasyon gaya ng investment at trade.
Ayon kay Sec. Roque, aminado silang hindi magkakaroon ng resolusyon sa territorial dispute sa nalalapit na hinaharap sa kabila ng ginawa ni Pangulong Duterte sa UN General Assembly.
Samantala, iginiit din ni Sec. Roque na ang ginawa ni Pangulong Duterte ay paglalahad ng legal fact.
Bagama’t hindi raw mapigilan ang ginagawang militarisasyon ng China sa South China Sea, hindi naman na daw mabubura sa international law ang ini-award na ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA) kahit anong gawin pang military occupation ng Beijing sa mga pinagtatalunang teritoryo sa karagatan.