Ikinatuwa ng Chamber of Thrift Banks ang pag-doble ng Philippine Deposit Insurance Corporation sa Maximum Deposit Insurance Coverage ng isang indibwal dito sa bansa.
Mula kasi P500,000, iniangat ito at ginawang 1-milyon piso na sisimulan namang ilatag ang implementasyon sa darating na March 15 ng kasalukuyang taon.
Dahil dito, positibong ibinahagi ni Mary Jane Perreras, presidente ng Chamber of Thrift Banks na ang naturang pagtaas ay nagbigay daan upang magkaroon ng mas malaking tiwala ang mga bank account holders na kanila namang pinagseserbisyuhan.
Aniya, higit umanong matutulungan nito ang mga senior citizens na nagretiro sa kanilang mga trabaho at nais na lamang ilagay ang kanilang mga napag-ipunan sa bangko.
‘Mas yung trust ng savers to put their money into the bank, kasi especially sabihin mo mga senior citizens yung mga retired na talagang iba-bangko yung kanilang mga retirement, maganda na secured sila… from 500,000 to one million, I mean that’s something really good for them,’ ani Mary Jane Perreras, presidente ng Chamber of Thrift Banks.
Dagdag pa niya, hindi lamang ito makabe-benepisyo sa kanilang mga thrift banks bagkus inaasahan ding ganito rin ang magiging epekto sa iba pang mga uri ng bangko.
Kung saan sinabi din ng naturang presidente na mas magiging kompotable at mapapanatag na ang pakiramdam ng kanilang mga customers dahil dito.
‘So what I’m trying to say is, magiging mas komportable yung mga savers to put their money in the banks,’ dagdag pa ni Mary Jane Perreras, presidente ng Chamber of Thrift Banks.
Kaugnay pa rito, inihayag naman ni Mary Jane Parreras, presidente ng naturang samahan na ngayong 2025 ay nais nilang paliwigin ang pagtulong sa mga may maliliit na negosyo.
Plano kasi ng kanilang samahan na bigyang pansin din ang mga SMEs o Small to Medium Enterprises at miski na rin ang mga young entrepreneurs sa bansa.
‘Yung mga young entrepreneurs natin, hopefully the SMEs or the thrift banks could be able to help them out of this. The starters diba, so sana we can actually help them on these small and medium enterprises and the starters,’ ani ni Mary Jane Perreras, presidente ng Chamber of Thrift Banks.