-- Advertisements --

NAGA CITY- Tuluyan nang nalagdaan ang ordinansang nagbabawal sa ‘Group Drinking’ sa lungsod ng Naga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Coun. Lito Del Rosario, sinabi nito na mayroong karampatang parusa at pagkakakulong sa sinuman na lalabag sa polisiya.

Ayon kay Del Rosario, kasama sa ordinansa ang pagbabawal ng pagkakaroon ng inuman sa mga pampublikong lugar.

Pwede naman umano na uminom ngunit sa loob lamang ng kanilang bahay.

Ayon pa sa konsehal, magtatagal ng halos tatlong buwan ang ordinansa ngunit depende naman giraray sa magiging sitwasyon ng lungsod sa isyu ng COVID-19.