-- Advertisements --
Hindi pa pinal ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga sibilyan para tulungana ng mga alagad ng batas sa paglaban sa krimen.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ideya pa lamang ngayon ito ng pangulo at hindi pa ito naisasapinal.
Magugunitang ipinanukala ng pangulo ang pag-armas sa mga sibilyan group para makatulong sa mga kapulisan sa pagsugpo sa krimen sa bansa.
Inalmahan naman ito ng Commission on Human Rights (CHR) dahil sa malaki ang posibilidad na ito ay maabuso.