Patuloy na umaani ng kontrobersiyal sa iba’t ibang dako ng mundo ang pag-amin ng China’s top disease control official na hindi mataas ang bisa ng kanilang Chinese Covid-19 vaccines.
Ito aniya ang dahilan kaya tinitimbang ng mga otoridad ang mga pagpipilian upang palakasin ang proteksyon kasama na ang paghahalo ng iba’t ibang mga klase ng bakuna.
Una rito, inamin daw ni Gao Fu, director ng Chinese Center for Disease Control and Prevention na hindi talaga mataas ang protection rates ng kanilang bakuna.
Ang ginawang rebelasyon ni Gao sa publiko bilang isang top health official kaugnay sa efficacy ng China’s coronavirus vaccines ay hindi umano kanais-nais.
Ang China ay nakaposisyon bilang lider sa pag-unlad at pamamahagi ng bakuna sa COVID-19 na nagtataguyod at nagbibigay ng mga bakuna nito sa mga bansa sa buong mundo, kabilang ang Indonesia, Zimbabwe, Turkey at Brazil.
Mahigit 60 bansa na rin ang nag-apruba sa paggamit ng Sinovac at Sinopharm vaccine.